Marami ang nagulat ng ideklara kahapon December 6, 2010 Lunes na magatataas daw ng presyo ang NFA rice na siya naman ikinabahala ng ilang kapos palad nating mga kababayan. Ngayon December 7, 2010 Martes inaasahan ang pagtaas ng bigas Dalawang Piso kada Kilo, mula dalawampu’t limang piso ito ay matataas sa halagang dalawampu’t pitong piso. Maraming mga sa mga kababayan natin ang nagrereklamo dahil nga magpapasko na ay inaasahan nilang magbababa ng presyo ng mga produkto ngayon pero sa halip ay tumataas pa rin ang presyo ng mga bilihin.
Ayon kay National Food Authority Administrator Lito Banayo, tatlumpu’t apat na piso kada kilo ang bili nila sa mga magsasaka ng bigas ngunit ang binta nila sa publiko ay dalawampu’t piso kada kilo lamang. Kung hindi nila gagawin ang mga masasakit na reporma kagaya ng pagtaas ng pampublikong bigas ay aabot ang panahon na kailangan na itigil na ng NFA ang kanilang operation at pag nangyari ito ay sino pa ang tutulong sa ating mga magsasaka para mabili ang kanilang produksyon sa mataas – taas na halaga. Marami ang nagtatanong kung bakit ngayon pa magpapasko ito kailangan gawin, ayon sa NFA Administrator kaya ngayon ito isinagawa ay tapos na ang ani pagkaPasko at lalong tataas ang presyo ng mga Commercial Rice.At kailangan ito ay isa araw lang ang announcement bago ang implementation ng price height upang maiwasan ang mga nananamantala. Ngunit nangako naman ang NFA na magtatagal bago muli magtaas ng presyo.
Marami man ngayon ang nagrereklamo kung bakit daw ngayon pa magpapasko ay saka pa magtataas ng presyo at ilan pa sa mga ito ang nagsasabing NFA na nga ay magtataas pa lalong maghihirap ang mga taoMay ilang mga nagsasabi na kakaunit na nga lang ang kanilang kinikita ay magtataas pa ng presyo. Ngunit sabi nga naman ng ilan ay wala naman silang magagawa kung ito daw ang gusto ng ahensya at bibili na lang daw sila ng commercial rice kahit mas mahal ito. Ayon naman sa ilang tindero ay nagulat din sila na magtataas ng presyo ang NFA, pero hindi sila nangangamba dahil mas marami pa rin daw naman ang nabili ng Commercial Rice.
OPINYON:
Para sa akin hindi ako sang-ayon sa pagtaas ng pampublikong bigas dahil paano na lamang ang ilang kababayan nating hirap sa pera. Hindi na nga matulungan ng gobyerno upang magkaroon ng trabaho ay ganoon pa ang mangyayari, mabigat ito para sa kanila lalo na ngayo’t magpapasko na. Ngunit ayon nga sa paliwanag ng NFA Administrator ay itong pagtaas nila ng presyo ay may maidudulot ding maganda para sa ating ilang kababayan, dahil ito ay magdudulot ng mahabang panahon ng pagsusuply ng pampublikong bigas o ang NFA rice. Katulad ng nakasaad sa itaas ito ay matitigil kung hindi itataas ng dalawang piso, ito ay konting dagdag lang kumpara sa Commercial rice.


